top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

After ng nangyari kay Eddie, 'di na raw sila dapat patakbuhin, etc… SIGAW NI NOVA: SENIOR STARS,

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 23, 2019
  • 1 min read

NAGLULUKSA ngayon ang buong industriya sa pagpanaw ng batikang aktor-direktor na si Eddie Garcia.

Habang nasa comatose state si Manoy Eddie, nakapanayam namin ang kapwa senior star niyang si Nova Villa sa katatapos lang na 42nd Gawad Urian kung saan nagpahayag ng sobrang kalungkutan ang komedyana.

Ayon kay Nova, dapat protektado ang mga katulad nilang senior stars mula sa istasyon at mga staff ng show. Pahayag din ng mahusay na komedyana, ‘di na sila kailangang patakbuhin, pasampalin at mag-exert ng sobrang effort sa mga eksena dahil kaya naman nilang umarte kahit ‘di gawin ang mga ito.

Para kay Nova, sana ay in-enjoy na lang ni Manoy Eddie ang buhay nito at bumiyahe. Pero dahil mahal nito ang pag-arte ay ‘di nito maiwan ang showbiz.

Pagbabahagi pa ng komedyana, sina­bihan niya si Manoy Eddie na magpahinga na sa pag-aartista, pero sinagot lang siya ng namayapang aktor na mamamatay ito ‘pag huminto nang umarte.

Inilarawan ni Nova si Manoy Eddie bilang isang napakapropesyonal na aktor at direktor at kagaya ng sinasabi ng halos lahat ng nakatrabaho ng namayapang aktor, isa o dalawang oras bago ang call time ay nasa set na ito at handa na sa eksenang kukunan.

Masakit at mabigat man ang pinagda­raanan ng pamilya ng aktor, lalo na ng live-in partner niyang si Lilibeth Romero, positibo ang komedyana na sa matibay na paniniwala ni Lilibeth ay matatanggap din nito ang pagkawala ni Manoy Eddie at iaalay ang lahat sa nasa Itaas.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page