top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 NPA patay sa engkuwentro

Pabs Hernandez III
Jun 23, 2019
1 min read

NEGROS ORIENTAL—Dalawang hindi kilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan, kamakalawa sa Bgy. Talalak, Sta. Catalina sa lalawigang ito.

Sa kasalukuyan ay kinikilala pa ng mga awtoridad ang mga napatay na rebelde.

Nabatid na sinalakay at pinagbabaril ng mga NPA ang Army-Citizens' Armed Auxiliary Patrol Base Detachment sa nasabing barangay, pero agad nakaganti ng putok ang tropa ng pamahalaan kaya napatay ang dalawang rebelde.

Patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang iba pang NPA na nakatakas sa naturang engkuwentro.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page