top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Onli in da Pilipins na kung sino ang mga biktima, sila pa ang nag-sorry, tsk-tsk-tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 22, 2019
2 min read

SA TAKOT NI CAPTAIN INSIGNE, SILA NA ANG BIKTIMA, SIYA PA ANG NAG-SORRY KAY P-DUTERTE — Hindi maikakailang may bahid nang pa­nana­kot ang pakikipag-usap ni Agriculture Sec. Manny Piñol sa mga mangingisdang bik­tima ng harass­ment ng Chinese militia sa West Phi­lippine Sea (WPS) kasi ang bahay na pinag­dausan ng pag-uusap ay pinalibutan ng mga pulis na naka-full battle gear.

Tila sa takot ng mga mangingisda na “ma­tokhang”, binawi nila ang una nilang pahayag na binangga sila.

Ayon sa kanila, aksidente lang daw ang nangyari. Marahil, dahil takot nila sa mga pulis, kahit sila ang biktima sa isyung ito ay si Captain Junel Insigne pa ang nag-sorry nang wala sa oras kay P-Duterte na kilalang pro-China, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

DAPAT IWASAN NA NI PANELO ANG PAGTATANGGOL SA CHINA KASI NAGMUMUKHA NA SIYANG CHINESE — Inupakan ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson si Presidential Spokesman Salvador Panelo dahil sa mga statement daw nito ay lumalabas na parang “abogado” siya pabor sa China kaugnay sa isyung pagbangga ng Chinese militia vessel sa bangkang-pangisda ng mga Pinoy.

Dapat talagang iwasan ni Panelo ang pagtatanggol sa China kasi sa totoo lang, kahit tingnan pa niya ang kanyang sarili sa sala­min, nag­mumukha na siyang Chinese sa ka­tatanggol sa China, boom!

◘◘◘

PERA NG KAPA MEMBERS, MA­LABONG MABAWI KASI MAY FREEZE ORDER NA SA MGA BANK ACCOUNT NG KAPA — Panawagan ng ilang kasapi ng KAPA Ministry kay Pastor Joel Apolinario, isauli na lang daw sa kanila ang perang nai-invest nila sa kanilang sekta.

Naku, mukhang may problema sila riyan kasi nagtatago na ang kanilang pastor ma­tapos ipag-utos ni P-Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) at PNP-CIDG na dakpin at sakaling mahuli man ito, ma­labong maibalik ang pera ng mga KAPA member kasi may freeze order na ang korte sa lahat ng bank accounts ng KAPA, saklap!

◘◘◘

BABABA NA SA PUWESTO SI MA­YOR BISTEK, PERO MAY NA­KA­PAG-OPEN PA NG JUETENG SA QC — Start na raw ang operasyon ng jueteng nina “Zaldy”, “Cris” at “Ryan” sa Quezon City.

D’yan makikitang pagdating sa pagla­ban sa mga iligalista, “nganga” lang si outgoing Mayor Herbert “Bistek” Bautista kasi pa­alis na siya sa puwesto ngayong June 30, 2019, eh, may mga manraraket pang nakapag-open ng jueteng sa QC, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page