top of page

Iwasan daw ang madalas na pagkain ng street foods... 8 HEALTHY TIPS NGAYONG RAINY SEASON

  • Justine Daguno
  • Jun 22, 2019
  • 2 min read

HANDA na ba tayo ngayong tag-ulan?

Marahil, mayroong mga natutuwa na sa wakas ay tapos na ang nakaha-haggard na tag-init, pero mayroon ding mga naha-hassle, lalo na at kabi-kabila na ang mga nagkakaroon ng sakit. Kaya, na­rito ang ilang tips upang mapanatili tayong healthy nga­yong rainy season:

1. ALWAYS WASH YOUR HANDS. Ugaliin natin ang paghuhu­gas ng mga kamay, lalo na ngayong tag-ulan. Makabubuti ito upang maiwasan natin ang iba’t ibang uri ng sakit na madaling makahawa sa pama­magitan ng paghawak sa iba’t ibang bagay.

2. DON’T TOUCH YOUR FACE. Ang flu virus ay karaniwang nakapapasok sa ating katawan sa pamamagitan ng bibig, ilong at mga mata. Iwasan natin ang masyadong paghawak o pagkamot sa mga ito, gayundin sa iba pang bahagi ng mukha. Palagi tayong magdala ng malinis na bimpo o panyo bilang pamunas.

3. AVOID EATING STREET FOOD. Paborito ng karamihan ang fishball, kwek-kwek, kikiam at iba pang street food dahil masarap na, mura pa! Gayunman, ang pag­konsumo ng mga ito ay hindi maganda sa kalusugan ng tao, partikular ngayong tag-ulan dahil ang mga pagkain na niluluto at ibinibenta sa mga open-area ay madaling dapuan ng mikrobyo.

4. ALWAYS BRING EUCALYP­TUS OIL. Ang aroma ng eucalyptus oil ay naka­tutulong upang mapagaan ang ating paghinga kung saan madaling makapagre-relax o ma­kapagpapahinga ang ating katawan. Para sa mga estudyante, nag-oopisina o sinumang ma­dalas lumabas ng bahay, malaking tulong ang pagdadala nito.

5. DRINK HERBAL TEA. Mabisang panlunas sa ubo, sipon, sore throat at iba pang nauusong sakit ngayong tag-ulan ang mga herbal tea. Maaari tayong makabili nito sa mga pinagkakatiwala­an nating botika o gro­cery store, gayundin, dahil maraming mau­usong recipe nito sa so­cial media, puwede rin tayong gumawa ng mga alternatibo sa bahay.

6. DON’T FOR­GET TO BRING YOUR UMBREL­LA. Masyadong malabo ang panahon, mainit sa umaga tapos biglang bubuhos ang ulan sa hapon at may pag­ka­kataon pang buong araw ay umuulan. Ang pag­dadala ng payong ang isa sa pangunahing sandata anumang panahon, kaya hindi ito dapat mawala sa inyong bag.

7. DRINK CLEAN WATER. Kaila­ngang maingat tayo sa inuming-tubig dahil ang water-borne diseases ay pangkaraniwan kapag maulan ang panahon. Ang kontami­nadong tubig ang pinagmumulan ng water borne diseases tulad ng amoebiasis at cho­lera. Gayunman, upang makasigurado, pakuluan natin ang ating inuming-tubig o bumili na lang ng purified o distilled drinking water.

8. KEEP YOUR SURROUND­INGS CLEAN. Maraming nauusong sa­kit kapag tag-ulan. Kaya, huwag nang makiuso, sikapin nating linisin ang ating pa­ligid upang makaiwas sa iba’t ibang uri ng sakit. ‘Ika nga, ‘prevention is better than cure’ kaya anumang panahon, dapat palagi tayong handa dahil sa hirap ng buhay nga­yon, hindi biro ang gastusin kapag tayo ay nagkasakit. Gets n’yo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page