'Di pa man naipapalabas… SERYE NI GABBI, TSUGI NA DAHIL SA NANGYARI KAY EDDIE


BAGAMA’T wala pang final announcement at pasabi sa mga cast ng Rosang Agimat ang pamunuan ng GMA Network, may balitang shelved na muna ang project na ito dahil sa nangyaring aksidente sa taping sa veteran actor-director na si Eddie Garcia na isa sa major cast ng nasabing serye.
Si Gabbi Garcia ang pinakabida at maraming magagaling na artista ang kasama rito tulad nina Chanda Romero, Amy Austria, Roi Vinzon, Jeric Gonzales atbp..
Pero, ilalagay muna ang mga nabanggit na Kapuso stars sa mga bagong serye ng GMA Network kaya may trabaho pa rin sila kahit hindi natuloy ang Rosang Agimat.
Hinayang na hinayang naman si Manay Lolit Solis, manager ni Amy Austria, dahil mas pinili raw niya ang Rosang Agimat para kay Amy at tinanggihan ang isang malaking project.
Anyway, kahit na nanghihinayang sa pagka-shelved ng Rosang Agimat, malaking karangalan pa rin para kay Gabbi na nakilala niya ang movie icon na si Eddie Garcia. May mga advise pa raw sa kanya ang yumaong veteran actor tungkol sa role na kanyang gagampanan sa Rosang Agimat. Isa raw ‘yun sa mga experiences na ite-treasure ni Gabbi Garcia.





Comments