8-anyos minolestiya ng stepfather
BAGUIO CITY—Isang 8-taong gulang na batang babae ang minolestiya ng kanyang stepfather, kamakalawa sa Bgy. P. Burgos sa lungsod na ito.
Ang biktima ay itinago sa pangalang “Nene”, samantalang, hindi muna pinangalanan ang suspek hangga’t hindi pa ito nadarakip ng mga awtoridad.
Sa pahayag ng biktima, nag-iisa siya sa kanilang bahay nang dumating ang suspek ay dito siya ginawan ng kahalayan.
Matapos ang panghahalay ay nagsumbong sa kanyang ina ang biktima at dahil dito ay mabilis na tumakas ang suspek.





Comments