10 mangingisda, dinukot
Sampung mangingisda ang dinukot ng hinihinalang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sa isla ng Borneo at dinala umano ang mga biktima sa Pilipinas.
Ayon sa mga awtoridad, dinukot ng mga armadong suspek ang mga biktima habang naglalayag ang mga ito sa Eastern Sabah, Malaysia.
Nabatid na nakatakas naman ang anim na mangingisda.
Kinumpirma ni Sabah Police Chief Omar Mammah sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagdukot sa mga mangingisda.
Nakasaad sa report na notoryus ang kidnapping sa mga dayuhan sa Mindanao na kagagawan ng iba’t ibang armadong grupo.
Ang mga suspek na humihingi ng malaking ransom at namumugot ng kanilang mga bihag ay kaalyado ng Islamic State (IS) Group.





Comments