Wanted na karnaper nasakote
- Pabs Hernandez III
- Jun 21, 2019
- 1 min read
SANTIAGO CITY—Isang wanted na karnaper ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Rizal, sa lungsod na ito.
Ang suspek ay nakilalang si Paulo Evangelista, residente sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Evangelista sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong carnapping.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin siya ng mga awtoridad sa nasabing barangay.





Comments