Hindi alam kung paano bubuhayin ng ina | BEYBI, ITINAPON SA BASURAHAN NG HOTEL
- Jersey Sanchez
- Jun 21, 2019
- 1 min read
NAHAHARAP sa kasong attempted murder ang 23-anyos na babae matapos iwanan sa banyo ng hotel ang kanyang bagong silang na sanggol.
Kinilala ang suspek na si Miki Ozawa, naninirahan sa Fujieda City at empleyado ng hindi pinangalanang business hotel.
Napag-alaman ng pulisya na alas-9:30 ng umaga nang marinig ng isa pang empleyado ng naturang hotel ang iyak ng sanggol mula sa banyo ng suspek.
Agad nitong pinasok ang banyo at bumulaga ang bagong silang na bata habang nakakabit pa ang pusod nito na nakalagay sa basurahan.
Nasa maayos nang kalagayan ang sanggol habang isinailalim na ito sa protective custody ng child welfare center ng Kakegawa City.
Samantala, inamin ng ina ang kanyang ginawa at hindi aniya alam kung paano haharapin ang sitwasyon dahilan para iwanan lamang nito ang sanggol sa basurahan.





Comments