top of page

Para sa mga gustong maging honor student, read n‘yo ‘to! 6 THINGS PARA MAIWASAN ANG BAD STUDY HABITS

  • Justine Daguno
  • Jun 20, 2019
  • 2 min read

MALAKI ang epekto sa pag-aaral ng mga estudyante ang mga bagay na ka­nilang ginagawa, lalo na kung hindi siya nabibigyan ng tamang gabay mula sa mga nakatatanda sa kanya. Kaya para makapag-aral nang mabuti ang mga bata, narito ang ilang paraan na maaari nilang gawin upang maiwasan ang ‘ika nga, bad study habits:

1. IDENTIFY DISTRACTIONS. Ang buhay-estudyante ay punumpuno ng distractions kaya importanteng alam nila ang mga bagay na madalas na nakakukuha ng ka­nilang atensiyon tulad ng palabas sa tele­bisyon, social media at iba pa. Payuhan natin silang bawasan ang kanilang oras sa mga ito nang sa gayun ay magkaroon sila ng sapat na panahon sa kanilang pag-aaral.

2. AVOID MULTI-TASKING. Ka­ramihan sa atin ay mas pinipiling pagsabay-sabayin ang gawain dahil sa ideyang mas madali tayong matatapos. Ayon sa research ng Stanford University, ang indibidwal na ginagawa ang task ng one at a time ay mas mabilis at maayos na natatapos kaysa sa mga nagmu-multi-task. Dagdag pa rito, ma­wawala ang focus at malaki ang chance na magkalabu-labo ang mga gagawin kapag pinili natin itong pagsabay-sabayin.

3. SET THE RIGHT PRIORITIES. Makabubuti na habang estudyante pa lang ay marunong na silang magbalanse ng mga bagay-bagay, partikular ang pagbibigay-pra­yoridad. Maaari siyang gumawa ng listahan o outline ng kanyang mga aralin, makatutu­long ito upang ma-mo­nitor niya ang mga dapat unahin o ipra­yoridad na ga­wain.

4. GET AWAY FROM DISTRACTING ENVI­RONMENTS. Mahalagang makahanap o magkaroon ang estudyante ng lugar kung saan komportable siyang makapag-aaral. Hangga’t maaari ay ma­layo ito sa telebisyon na pangunahing “abala” sa pag-aaral ng mga bata. Gayunman, kung walang sapat na espasyo sa ba­hay, maaari silang mag-aral sa library ng paaralan o sa public library malapit sa in­yong lugar.

5. CHOOSE YOUR STUDY BUDDIES CARE­FULLY. Walang masama sa pagpili ng kaibigan o mga taong dapat mong makasama sa school. Tandaan, hindi lang tayo dapat maging matalino sa aralin, dapat din tayong maging wais sa pagpili ng kakaibiganin natin dahil sila ang mga ma­kakasama ninyo sa mahabang panahon ng inyong pag-aaral.

6. STOP PROCRASTINATING. Ang ‘mañana’ o ‘mamaya na’ habit ay isa sa maraming dahilan kung bakit pu­mapalpak sa pag-aaral ang mga estudyante. Dapat ninyong matutunan na huwag ipagpaliban ang mga gawain, lalo na kapag may naka-set na deadline.

Sa totoo lang, hindi madali ang maging estudyante dahil maraming bagay ang kailangang ikonsidera, pero kung ma­tutunan natin kung paano maging organisado at responsable, posibleng maging magaan ang pag-aaral at paniguradong malayo ang ating mararating. Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page