top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG MAGING ASAWA ANG BF NA MAY KAPAREHONG GUHIT NG PALAD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 20, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. May boy­friend ako at napansin kong kapa­reho ko siya ng guhit sa mga palad. Pa­re­ho ka­ming may dala­wang Fate Line sa kaliwa at ka­nan naming palad. Ano ang ibig sabihin nito?

  2. Pareho rin kaming may Travel Line, ibig sa­bihin ba nito ay makapag-a-abroad kami at sa ibang bansa kami maninira­han?

  3. Ganu’n kasi ang pla­no namin kung saan sa sandaling naikasal na kami ay mag-a-apply ka­ming immigrant sa Ca­nada. Matutupad kaya ang plano at pangarap na­ming ito at kami na kaya ang magkakatuluyan?

KASAGUTAN

  1. Kapag medyo hawig o magkapareho ang guhit ng palad ng magkasintahan o mag-asawa, tama ka, Cris­tine, ibig sabihin nito, sad­yang tug­ma kayo sa isa’t isa, lalo na at nagkataong com­patible rin kayo sa Astro-Nu­merology na pag-aanalisa.

  2. Samantala, kapag “doubled-fate line” o “doubled-career line” (Dra­wing A. at B. F-F arrow a.) sa kaliwa at kanan palad, ito ay nangangahulugan ng da­lawang hanapbuhay o dala­wang sabay na source of in­come sa iisang panahon. Pu­wede nating sabihing dalawa ang “source of income” mo o dalawa ang iyong trabaho. Kaya kung ganito ang Fate Line (arrow a.) ninyo ng boy­friend mo, maliwanag na ma­liwanag, magiging maalwan o pro­duk­tibo ang in­yong ca­reer sa as­petong pampi­nan­­­siyal.

  3. Samantala, kapag pareho ka­yong may Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow b.) sa ka­liwa at ka­nang palad ng boyfriend mo, ito ay mali­wa­­­nag na tanda na sa sanda­ling kayo ang nagkatuluyan tulad ng inaasa­han, pareho ka­yong makapag-a-ab­road o kaya ay matutupad nang kusa ang pangarap nin­yong makapag­trabaho o ma­ka­pag-im­mig­rant sa Canada.

  4. Tungkol sa tanong mo kung kayo na ang magkaka­tuluyan ng boyfriend mo? Sakto ang tugon kung saan hindi mo ba napansin, bukod sa pareho kayo ng Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) at may Travel Line (Dra­wing A. at B. t-t arrow b.), kitang-kitang na iisa rin ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow c.) sa ka­liwa at kanan ninyong palad ng boyfriend mo. Ibig sabi­hin, walang duda, kayo na nga ang magkakatuluyan at magsasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambu­hay na pamilya.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Cristine, tulad ng nasabi na dahil magkamuk­ha o halos magkapareho ang mga guhit sa kaliwa at ka­nang palad ninyo ng boy­friend mo at kung nagkata­ong kapwa rin medyo ma­kapal o may energy ang in­yong mga palad kapag sina­lat, ibig sabihin, tiyak ang magaganap, hindi lang kayo magiging maligaya at com­patible sa isa’t isa, sa halip, uunlad din ang inyong pag­sasama at anuman ang pa­nga­rapin ninyong dalawa, tiyak na ito ay matutupad tu­lad ng plano ninyong pag-i-immigrant sa Canada na nakatakdang mangyari at sa taong 2022, sa edad mong 32 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page