top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Shoutout sa mga ayaw ng umuulan, read n‘yo ‘to! 5 REASONS PARA MAGING POSITIVE TUWING RAINY SEASON

Jersey Sanchez
Jun 19, 2019
2 min read

Tag-ulan na talaga, mga besh! Kaya ‘yung iba ay na­lulungkot da­hil mas madalas na silang nananatili sa kani-ka­nilang mga taha­nan. Sino ba ang nag­sa­bing ‘pag tag-ulan na, eh, malung­kot na? Hmmm… alam ba ninyo na pu­we­deng ma­ging ma­saya nga­yong pana­hong ito? Kaya mga besh, na­rito ang 5 reasons para ma­ging positi­bo nga­yong tag-ulan:

1. YOU’RE MORE PRODUCTIVE AT WORK. Deadlines? Ayon sa pag-aaral, ang mga em­pleyado ay mas mabilis na nakatatapos ng projects tu­wing maulan. Ito ay dahil hindi distracted ang mga empleyado sa idea ng out­door activities kaya naka­pagpo-focus sila. Para ma-maximize ang iyong oras sa trabaho, magtsek ng wea­ther forecast sa umpisa ng linggo at saka gu­mawa ng plano para sa linggong ‘yun.

2. YOU RELISH POST-RAIN SCENTS OF SPRING. Petrichor, ito ‘yung tawag sa aroma na naaamoy natin pagkatapos ng bagyo. Ang petrichor ay kom­binasyon ng aerosols carrying viruses at bakterya na inire-released pagkatapos pumatak ang ulan sa lupa. Ka­­pag kumalat ang rain­drops sa permeable surface ng lupa, magiging bula ito at ‘pag pumutok ito sa hangin, dito lalabas ang amoy.

3. YOU MAY BURN MORE CALORIES. ‘Ika nga nila, ‘bed weather’ ang ganitong uri ng panahon pero, ayon sa pag-aaral, na­kapagbibigay ng extra calorie boost ang malamig na pa­nahon. ‘Pag nanginginig ang katawan mo sa mildly cold na temperatura, nabe-burn ang enerhiya kaya napabi­bilis ang metabolism at natu­tunaw ang fats. Wow!

4. YOU MAY FEEL CLOSER TO FRIENDS AND FAMILY. Ayon sa pag-aaral, kapag malamig ang panahon, mahaba ang usapan ng mga tao sa ka­nilang mga kapamilya at kaibigan. Ibig sabihin, ‘pag hindi maganda ang pana­hon, nananatili lamang tayo sa ating tahanan at limitado ang puwede nating gawin kaya gumagawa tayo ng paraan para makausap ang mga ta­ong malalapit sa atin para kumustahin sila.

5. YOU MAY FEEL NOSTALGIC. ‘Yung ti­pong hindi ka lalabas ng ku­warto mo para makinig sa mga kantang bagay sa pa­nahon. Tamang emote lang sa kuwarto habang umuulan sa labas. Naks! Ha-ha-ha! Ma­gandang pagkakataon ito para mag-munimuni, ga­yundin, para makadiskubre ng bagong mga kanta na bagay sa panahon.

Oh, mga bro at sis, nga­yong alam n‘yo na kung ba­kit dapat maging positibo nga­yong panahong ito, make sure na hindi kayo masa-sad, ha? Hindi porke tag-ulan na, eh, malulungkot na tayo da­hil hindi na tayo masya­dong makalalabas ng bahay.

Magandang pagkaka­taon ito para alamin ang mga bagay na puwede mong ga­win sa loob ng iyong taha­nan. Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page