Pastor dedbol sa kuryente
Pabs Hernandez III
Jun 19, 2019
1 min read
CAPIZ—Isang pastor ang namatay nang makuryente, kamakalawa sa Bgy. Poblacion Ilaya, Panay sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Patrick Bassig, pastor ng Glorious Bible Baptist Mission sa nasabing bayan.
Nabatid na habang inaayos umano ni Bassig ang antenna ng kanilang telebisyon ay napahawak ito sa live wire kaya nakuryente ang biktima.
Dinala ng kanyang mga kamag-anak si Bassig sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments