Namatayan ng padir, wa' suwerte sa love life, pati anak, inilayo sa kanya… MARK, NAWALAN NA NG
- BULGAR

- Jun 19, 2019
- 1 min read

TAMA si Manay Lolit Solis sa kanyang assessment sa takbo ng career ng alaga niyang si Mark Herras. Napag-iiwanan na ito ng ibang aktor na kasabayan niya.
Parang nawalan ng interes at drive si Mark upang i-level-up ang kanyang career, ‘di tulad ni Jennylyn Mercado na tinanghal na first StarStruck Ultimate Female Survivor.
Si Mark ang Ultimate Male Survivor at naging magka-love team sila ni Jen noong nagsisimula pa lamang ang kanilang career sa GMA Network.
Dumanas kaya ng matinding depression si Mark nang mamatay ang kanyang ama-amahan na kumupkop at nag-alaga sa kanya kaya hindi na siya nagsumikap na umangat ang kanyang career?
Nawalan na ba siya ng gana sa showbiz nang magkasunud-sunod ang kabiguan niya sa pag-ibig na pati ang kanyang anak ay inilayo na sa kanya?
Hindi naman puwedeng idahilan ni Mark na pagsasayaw lang ang talent niya kaya wala siyang teleseryeng ginagawa ngayon. Eh, bakit naman si Dingdong Dantes na dating member ng Abstract Dancers, nakakaarte nang malalim at naging Primetime King pa ng Kapuso Network?





Comments