Make sure na magbabago ka na, tsong! MISTER NA SA SANDALING BALIKAN NG MAG-IINA AY TIYAK NG MAGIGING

Dear Maestro,
Umuwi nang bigla ang misis ko sa Marinduque at isinama niya ang mga anak namin. Nawalan kasi ako ng trababo, mag-iisang buwan na kaya pumupunta-punta ako sa mga nanay ko para dumilihensiya ng panggastos namin. Pagdating ko sa bahay, wala na ang mga anak namin at nalaman ko sa mga kapitbahay na lumayas na pala ang misis ko. Mula ng mawalan ako ng trabaho, madalas na kaming nag-aaway. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung babalik pa kaya sila sa bahay o dapat ko na silang sunduin sa Marinduque. Ano ang sinasabi ng mga birthday namin, hindi ba talaga kami compatible sa isa’t isa? October 10, 1983 ang birthday ng misis ko at July 19, 1978 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Waldo ng Maypajo, Caloocan City
Dear Waldo,
Posibleng hindi na kayo magkabalikan dahil walang kuwentang misis ang napangasawa mo kung saan hindi siya marunong magtiis sa hirap, gayung isang buwan ka pa lang namang walang trabaho.
Puwede ring tawaging walanghiyang asawa ang misis mo dahil iniwan ka niya matapos kang mawalan ng trabaho, samantalang, noong may hanapbuhay ka ay mahal na mahal ka niya at okay kayo kung saan pinaghahainan ka pa ng hapunan pagdating mo sa bahay at pinaghahanda ka ng pampaligo sa umaga bago ka pumasok sa opisina.
Pero, noon lang ‘yun, noong may pera ka pa at trabaho. Ngunit, nang nawalan ka ng kinikita at hindi ka na nakakapag-intrega, wala pang isang buwan ang lumipas ay nilayasan ka na agad ng misis mo.
Tulad ng nasabi na, dahil hindi compatible ang zodiac sign mong Cancer sa zodiac sign na Libra ng misis mo at nagkataong kapwa pa kayo nagtataglay ng “strong number na one”, tiyak ang magaganap, kapag hindi mo na siya sinundo, hindi na kayo magkakabalikan pa kahit kailan.
Kapag naman sinundo mo siya, maaaring sumama siya sa iyo, pero dahil nawalan ka ng trabaho, sa bandang huli, mag-aaway ulit kayo hanggang sa tuluyan ka niyang iwanan at muli lang kayong magkakahiwalay.
Tandaang, sa pangyayaring naganap sa inyong buhay, parang mapapaisip ka ng ganito: “ang pagsasama ng mag-asawa o ang pagiging buo ng isang pamilya ay walang dudang nakasalalay pa rin sa pera dahil kung walang pera, paano magiging masaya ang pamilya?”
Alalahanin mo ang senaryong ‘yung kapitbahay ninyo ay halos araw-araw nagdyo-jollibee habang inggit na inggit ang mga anak mong palaging noodles at tuyo lang ang ulam na inutang pa sa tindahan. Alalahanin mo ang senaryong sa private school nag-aaral ang mga anak ng kapatid mo habang ang mga anak mo naman ay sa public school lang, lumang bag ang ginagamit at hiniram lang ang kupas na uniporme sa kapitbahay.
Kung ganyan ang sitwasyon ng isang pamilya na naghihirap talaga at baon sa utang at halos sumasala na sa pananghalian, sa palagay ninyo, magiging maligaya at masaya kaya ang pamilya? Pagkatapos, nawalan pa ng trabaho ang ama ng tahanan at nakadagdag pa ng sakit ng ulo ang hindi kayo compatible sa Astrology at Numerology na pag-aanalisa?
Tunay ngang kapag present sa buhay ninyo ang lahat ng espekulasyong nabanggit sa itaas, Waldo, tiyak ang magaganap, ang paglayas ng misis mo sa kasalukuyan sa malapit na hinaharap ay tuluyan na ngang hahantong sa panghabambuhay na paghihiwalay upang minsan pa, muli na namang mapatunayan na sadyang napakahalaga pa rin ang maraming pera at pagiging compatible ng mag-asawa para matiyak ang buo at masayang pamilya, habambuhay”.
Habang, ayon sa iyong mga datos, Waldo, kapag tuluyan na kayong nagkahiwalay ni misis, hindi ka dapat labis na malungkot at mawalan ng pag-asa dahil ayon sa iyong Love Calendar, sa taong 2026, sa edad mong 46 pataas, muli kang makapag-aasawa hatid ng babaeng Scorpio na panghabambuhay mo ng makakasama sa lungkot at saya o hirap at ginhawa.




Comments