top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kaya mong panoorin, Daniel? KATHRYN, PAK NA PAK ANG PAG-I LOVE YOU KAY ALDEN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 19, 2019
1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

SA si Kathryn Bernardo sa mga artistang hindi nakakasawang titigan ang kagandahan.

Nu’ng teen days niya ay sadyang simpleng Pinay beauty lang kung tutuusin ang young actress. Pero, habang nagma-mature siya ay lumalabas ang totoo niyang ganda.

Katunayan, masuwerte si Daniel Padilla dahil bukod sa napakaganda ng girlfriend niya ay ang lakas pa ng appeal sa mga kala­lakihan. Kaya, malas na lang ng aktor kapag pinakawalan pa niya si Kath.

Sa Bidaman segment ng It’s Showtime last Saturday ay pinapili ni Vice Ganda kung sino sa tatlong Kapamilya actresses na sina Liza Soberano, Nadine Lustre at Kathryn ang pinakamaganda para sa contestant at type niyang maging girlfriend.

Si Kath ang pinili ng contestant. Agree naman si Vice dahil maging siya ay hanga sa angking ganda ng aktres.

Ani Vice, “Ang ganda lalo ni Kathryn, paganda siya nang paganda. Parang hindi natatapos ‘yung pagganda niya…”

“May mga tao kasing ‘yung ‘pag nakita mo, ‘Ay, ang ganda!’ Tapos, hanggang lumipas, hindi na sila gumanda… Pero itong si Kathryn, unti-unti.”

May bagong movie si Kath na ipapalabas katambal ang Kapuso actor na si Alden Ri­chards, ang Hello, Love, Goodbye.

Sa naturang movie, sinabihan ni Kath ng “I love you” si Alden, at kita sa mukha ng Kapuso actor na na-amused siya sa tinuran ng GF ni Daniel.

Ano kaya ang masasabi ni DJ sa eksenang ito ng dalawa?

Ang tanong, panoorin kaya ni Daniel ang pelikula kung saan marami ang nagsasabing bagay na magkasama sina Kath at Alden?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page