DUTCH MEIJERS, KAMPEON; FELIPE, 11TH SA LE TOUR


HINDI na bumitaw sa pangunguna si Dutch Jeroen Meijers kahit na nadidikitan pa siya ng kapedalan sa unahan na si Singaporean Goh Choon Huat sa fifth at final stage para sa virtual wire-to-wire victory sa katatapos na 10th Le Tour de Filipinas sa Legazpi City, Albay. Ang 26-anyos na si Meijers ng Taiyuan Miogee Cycling Team ng China ay ginigitgit sa peloton ni Goh ng Terengganu Inc. TSG Cycling Team ng Malaysia.
Parehong tumapos sina Meijers at Goh sa oras na 3 hours, 34 minutes at 48 seconds sa 138.1-km Stage 5 na dumaan sa Donsol beaches. Dito na nagtapos ang karerang may limang stages na nagsimula sa Tagaytay City, tumahak tungong Quezon, Camarines Norte, Albay, Sorsogon at nagtapos malapit sa Mayon Volcano na inorganisa ng Ube Media, Inc. Nanguna si Meijers sa aggregate time na 20:38:07.
Naangkin ang Tilburg native elegant champion’s trophy at top purse na US$2,725 (P141,700), may 40 ranking points mula sa International Cycling Union (UCI). “Every victory is special,” ani Meijers. “This is the first one outside Europe so I will remember this for a long time.” Nagparamdam agad si Meijers sa Stage 1 nang makontrol ang matarik na akyatin ng Sampaloc Road sa Talisay at manguna sa 129.5km opening stage sa Tagaytay City.
Kabilang sa top place ang 7Eleven Cliqq-Air21 ng Roadbike PHLS Daniel Habtemichael (20:40:20), PGN Road Cycling Team’s Sandy Nur Hasan (20:40:32) at Aiman Cahyadi (20:40:39), Team Ukyo na sina Kohei Yokotsuka (20:40:39) at Naoya Yoshioka (20:40:41) at Team Sapura Cycling Muhsin Al Redha Misbah (20:40:42) at Taiyuan Miogee Shuai Li (20:40:43). Inilaglag ni Li si Filipino Marcelo Felipe ng 7Eleven sa 11th place.
Si Felipe ang may pinakamataas na ranking sa Pinoy, habang nasa 15th si Mark Galedo ng Celeste Cycles Bianchi Philippines at nasa 16 si Go for Gold’s Jonel Carcueva. Si German Mario Vogt ng Team Sapura Cycling of Malaysia ang stage winner sa oras na 3:33:39, kabuntot si Filipino Dominic Perez ng 7Eleven at Mohd Zamri Saleh ng Terengganu Inc TSG Cycling Team of Malaysia, na parehong may oras na 3:34:41. Ang Team Ukyo ang naghari sa aggregate time na 61:59:35 at nakapag-uwi ng US$1,200 (P62,400) purse, kasunod ang Taiyuan Miogee (622:36) at PGN Road Cycling Team (62:03:05). (ATD/MC)





Comments