COACHES UICHICO AT MARTIN, WAGI PERO NANGANGAPA PA SA MPBL


MAY kahirapan nang kaunti kay Jong Uichico na mag-adjust sa MPBL game nang gabayan ang Bataan Risers tungo sa 75-62 na panalo kontra Biñan City-Krah Heroes noong Lunes ng gabi sa Alonte Sports Arena.
Umasa si 9-time PBA champion coach Uichico sa ball movement at team play upang magkaroon ng pagkakakilanlan ang laro ng Risers. Tatlong player niya ang gumana sa laro, sina dating collegiate standouts Joe Presbitero ng San Beda, Anton Asistio ng Ateneo at ang nagbabalik na guard na si James Castro. Nakagawa si Presbitero ng 16 puntos at 7 rebounds habang si Castro na naglaro para sa Bataan ay nagdagdag ng 14 points, 6 assists at 5 rebounds.
Si Asistio na miyembro ng back-to-back champions Ateneo Blue Eagles sa ilalim ni coach Tab Baldwin ay dumagdag ng 13 kabilang na ang tatlong tres.
Huling nahawakan ni Uichico, na nagwagi ng kampeonato bilang coach ng San Miguel, Ginebra at TNT ang isang team noong 2017 Southeast Asian Games kung saan ang kanyang Gilas Cadet-laden national squad ay naka-gold medal. Sa una nilang laro sa MPBL, kailangan ng veteran bench tactician ng ilang adjustments. “This is something new. There’s not much teaching to do as you have no control of what’s happening at times. It’s a free-flowing game,” ayon kay Uichico. “But I have to adjust. I need to rely on team play, ball movement, hoping we could go through from there as we still don’t have go-to guys in the team.”
Ang debut coaching ni Uichico sa Risers ay pareho rin ng isang debuting coach na nagwagi sa opening game, si Keith Martin ng Pasay Voyagers. Ang pag-mentor niya sa first game ng MPBL ang naglakbay para sa Pasay Voyagers ng isang 70-68 na panalo kontra Navotas Clutch. Nakabasket si Ron Lastimosa ng 14 puntos kabilang na ang go-ahead 3-point basket sa nalalabing 1:14 ng final quarter para umibabaw ang Voyagers sa 69-67. (MC)





Comments