Breeding, 'di kayang bilhin… SIGAW NG FANS: VICE, YUMAMAN LANG PERO BASTOS PA RIN!
- BULGAR

- Jun 19, 2019
- 3 min read

SUCCESSFUL ang first major solo concert ng sing-along master at gay impersonator ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na si Anton Diva, ang SHINE: Anton Diva XXII AD na ginanap sa Cuneta Astrodome.
Almost mapuno rin ang venue ng concert ni Anton. Audience attendance sa concert is quite unexpected, to think na wala namang regular show on TV si Anton. At inamin niya na most of the audience sa venue ay binentahan niya ng tickets personally during his gigs sa comedy bars.
Bumilib kami sa production value ng concert, hindi tinipid ng producer na si Teri Onor. Nagmistulang produced by a major network sa stage pa lang na may malalaking LED screen, not one, not two, but five!
Pati mga costumes ng mga dancers, bonggacious! At siyempre, ang mga isinuot na gowns ni Anton sa concert ay very creative at mukhang very expensive, na kering-keri naman niya. Slim kasi si Anton at may magandang face, kaya girl na girl talaga siya on stage.
Meron kasing mga gay performers na kahit ang bongga-bongga na ng suot na gown, nagmumukhang tsararat (pahiram, Ms. Carmi Martin) at parang pamperya lang.
Maraming magagandang production numbers sa concert. Pero pinaka-favorite namin at very touching ‘yung portion na niri-recall ni Anton ang pagsisimula niya bilang sing-along master at ‘yung duet niya with his father at siyempre, ‘yung sa kanila ni Songbird Regine.
Say ni Teri sa interview after the concert, may nag-i-inquire na raw sa kanya para dalhin ang show sa iba’t ibang key cities nationwide and other countries.
Bukod kay Regine, applauded din nang husto ang iba pang guests ni Anton gaya ni Vice Ganda at Michael Pangilinan.
Bago kinanta ni Michael ang kanyang second song, nagbigay-pugay siya sa dating manager na si Jobert Sucaldito na nakaupo among the audience. In-acknowledge at pinasalamatan niya si Kuya Jobert sa lahat ng mga ginawa sa kanyang career.
All-smiles naman si Kuya Jobert habang ina-acknowledge ni Michael. Kasama ni Kuya Jobert that night ang dalawa niyang super-talented na alaga na sina Kiel Alo at Carlo Mendoza.
Habang papalabas naman kami ng venue, we overheard ‘yung ilang nanood na nagkukuwentuhan about the concert.
Hindi raw nila nagustuhan ‘yung mga sinabi ni Vice tungkol sa love life ni Anton. Although, sanay naman daw sila sa batuhan ng kalaswaan ni Vice at maging ng ibang comedy bar hosts. This time, they felt Vice went overboard sa pambubuking kay Anton regarding his sex life.
Bakit pa raw kailangang idetalye ni Vice kung paano makipag-sex si Anton sa lalaki, pati na raw laki ng butas sa puwet ng gay impersonator sa concert?
Okey lang daw sana kung sa comedy bar magkuwento si Vice ng ganu’n, but not in a big venue at sa isang napaka-momentous event for an artist.
Sinubukan na ring pigilan ni Anton si Vice sa pagkukuwento at nakiusap na tumigil na kasi nasa concert din ang mga magulang at pamangkin ng gay impersonator ni Regine. Pero, tumuloy pa rin sa pagbitaw ng mga kalaswaang salita si Vice at sinisi pa raw ang audience kung bakit nagdadala ng bata sa concert.
Distasteful and napaka-disrespectful daw ni Vice. Hindi lang daw si Anton ang binastos niya kundi pati na rin ang pamilya ng singer.
Ewan daw nila kung pagtapos ng concert ay tumaas ang respeto at pagtingin ng mga nanood sa concert, pati na ng pamilya ni Anton, dahil sa mga ibinulgar ni Vice tungkol sa kaibigan.
Kunsabagay, sa husay ni Anton that night, mas nag-level-up ang paghanga sa kanya. Kumbaga, nagka-class si Anton as an artist. Pero sa ginawa ni Vice, ‘di kaya parang nababoy pa si Anton?
May kasabihan nga, ang aso, bihisan mo man ng maganda, aso pa rin.
Say naman ng mataray at sosyalera naming kasamahan sa panulat, “Oh, well… breeding really cannot be bought.”
Tarush!





Comments