Totoo na raw ang pagbababu… KRIS, ISINARA NA LAHAT NG SOCMED ACCOUNTS
- BULGAR

- Jun 18, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MUKHANG tinotoo na talaga ni Kris Aquino ang sinabi niyang magpapahinga muna siya sa social media para magpagaling dahil naka-deactivate na ang lahat ng socmed accounts ng Queen of All Media.
Hindi na makita ang accounts niya sa Facebook, Instagram at Twitter.
Matatandaang sa huling pahayag ni Kris na inilabas niya sa kanyang Facebook account ay sinabi niyang tatalikuran na muna niya ang kasikatan at mabubuhay na lang bilang isang private individual upang magpagaling para sa kanyang dalawang anak na sina Bimby at Joshua.
Pero mukhang babalik din ang Queen of All Media pagkatapos niyang gumaling, dahil ayon sa last post niya sa Instagram, “Back as soon as I HEAL….“Stronger, Braver, Wiser, Kinder, BETTER,” na nilagyan niya ng background song na Better in Time ni Leona Lewis.
Sa caption ay may pahiwatig din si Kris sa pagtalikod niya sa kanyang ‘one great love,’ na ang tinutukoy ay ang passion niya sa kanyang showbiz career at pagiging public figure para sa kanyang mga anak.
Aniya, “This song isn’t about a single individual, it expressed my accepting the need to let go of what had always been my one great love - the passion I had for my craft, and my being my father’s daughter, the happiness I felt working in the field that required being in the public eye... that’s why I could take the trolling & bashing (just not the fake/made up stuff)-because this life was my CHOICE.“
But my sons deserve to have the most significant VOICE.“
And they want a healthy mama, no drama, straight from my heart, I’ll miss you... like crazy.





Comments