Sey ng experts... MGA TAONG NAGSUSUOT NG MAKUKULAY NA MEDYAS, NAGIGING SUCCESSFUL!
- Jersy Sanchez
- Jun 18, 2019
- 2 min read

PARA sa ating lahat, ang pagsusuot ng medyas ay ginagamit upang mapanatiling tuyo at komportable ang ating mga paa. True naman ‘yun, mga besh. Pero, ayon sa pag-aaral, ang pagsusuot ng medyas, partikular ang makukulay na uri nito ay may kaugnayan sa pagiging successful? Weh, ‘di nga?
Sa pag-aaral na nai-published sa Journal of Consumer Research, sinuri ng mga researcher ang teoriya na ang mga taong non-conformist ay may mataas na status at mas competent kumpara sa mga indibidwal na conform sa social norms.
Nakita sa pag-aaral na ang mga indibidwal na nagsusuot ng “crazy” socks o makukulay na medyas ay mas matalino at competent.
Inihalimbawa ng mga researcher ang indibidwal na nasa ‘corporate world’ at nakasuot ng pormal na damit, ngunit, nakasuot ng bright red na medyas.
Ang ‘bold’ choice na ito ay nagpapakita umano ng pagiging rebellious at proud side ng indibidwal.
Ayon sa pag-aaral na pinangunahan ni Dr. Adam Galinsky, Social Psychologist mula sa Northwestern University, napag-alaman na ang pagsusuot ng nabanggit na uri ng medyas ay nakaaapekto sa paraan ng pag-iisip, pag-akto at nararamdaman ng indibidwal.
Kapag gumamit ang indibidwal ng makukulay na medyas, ipinakikita umano nito ang kanyang uniqueness at confidence.
Nakatutulong din umanoito upang maging komportable ang indibidwal sakanyang sarili.
Sa ganitong paraan, ipinakikita ng indibidwal sa kanyang sarili na may kakayahan siyang isuot ang kanyang gusto.
Dahil dito, nade-develop ang mentalityng kanyang pagiging successful.Mga besh, hindi lang pala basta isinusuot ang mga medyas dahil ‘cute’ ito o nauuso, posible rin palang makita rito ang personalidad ng indibidwal.
Kaya kung isa ka sa mga gumagamit ng makukulay na medyas, alam mo na, ha? He-he-he! Copy?




Comments