Para sa mga nagkaroon na ng mabigat na responsibilidad sa pamilya... 5 THINGS NA PINAGDARAANAN NG MG
- DONNABELLS
- Jun 18, 2019
- 1 min read

ADULTING is real na talaga, mga beshy! Kaya sa mga millenial na nagsisimula ng magtrabaho para sa sarili at sa pamilya, gets namin kayo! Ang hirap,‘di ba? Pero, for sure yakang-yaka n‘yo ‘yan! Narito ang mga bagay na nararanasan ng mga nasa adulting stage:
1. PAYING BILLS. Siyempre, ikaw na ang nakatoka sa sarili mong pangangailangan. Dagdag pa rito, nagbibigay ka pa sa bahay ninyo ng pambayad sa upa, tubig, kuryente at iba pa. Napakahirap dahil hindi natin tantiyado ang halaga ng kuryente at tubig kada buwan, gayundin ang internet na kapag wala, eh, mahirap. Hays!
2. WANT TO BEINDEPENDENT. Darating ka sa puntong gusto mo ng bumukod ng bahay dahil siyempre, tumatanda ka na at gusto mo na ring maranasang tumayo sa sarili mong mga paa.
3. CONFUSED. Nako-confused ka sa mga bagay-bagay, lalo na sa mga desisyon mo dahil alam mong maaari itong makaapekto sa buhay mo. Nakalulungkot isipin, pero dahil sa pagiging confused, marami ang nagrerebelde o naliligaw ng landas.
4. HAPPY-GO LUCKY. Sino ba ang hindi magpapakasaya kung may sarili ka ng pera,‘yung tipong minsan kana lang mag-off hindi ka pa mag-e-enjoy? He-hehe!
5. YOU HAVE ALOT OF SACRIFICES. Tulad ng ibang mga matatanda, matututo ka ng magsakripisyo para sa kapakanan ng iba. Mahirap sa umpisa, pero masasanay ka rin dahil sa huli, worth it ‘yung mga pagsasakripisyong gagawin mo.
Oh, ayan, ngayong alam n’yo na ang mga bagay na nararanasan ng mga taong nasa adulting stage, be open-minded,okay? He-he-he! Okidoki?




Comments