top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kinastigo 'di lang sa pagiging late… BARON, PINAGBAWALAN NI COCO NA UMINOM SA TAPING

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 18, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

LAKING pasasalamat ni Baron Geisler kay Coco Martin nang kunin siya bilang kontrabidang si Bungo para sa Ang Probinsyano.

Si Baron ang pumalit kay Jhong Hilario nu’ng patayin na ang character ng huli bilang si Alakdan dahil election time na, eh, tumakbo itong konsehal.

Sambit daw ni Coco nu’ng time na kinuha niya si Baron para sa programa, “‘Bro, tutulungan kita, pero tulungan mo rin ang sarili mo.

Ang hinihingi ko lang sa ‘yo, makisama ka lang, maging professional ka lang.

Maraming shows ang ABS-CBN, hindi ka mawawala.’

”Pinasalamatan ni Baron si Coco dahil ito ang nagbukas ng pinto para sa kanya sa industriya.

Aniya, “Laking pasalamat ko kay Coco na binigyan niya ako ng chance sa Probinsyano.

Ito ‘yung chanceko to earn money and to support my wife-to-be.”

Nakakailang episodes na raw siya sa Ang Probinsyano, pero hindi pa rin tumitigil si Coco sa pagpapaalala sa kanya.

Sinasabihan daw siya ng actor na mag-behave palagi, na huwag male-late at ‘wag iinom.

“Inuulit niya (Coco) palagi ‘yung payo niya noon sa akin. Inaalagaan ako ni Coco.

At totoong maalaga siya sa mga tao niya.”Ani Baron, “Kung tutuusin, I’m already at a place where God has already placed me, na I’m very happy and grateful and I couldn’t ask for more.

“Out of nowhere, nalaos ako, nagkaroon ng problema, tapos biglang binigyan nila ako ng ganitong karakter na everyday nakikita. So, that’s a dream come true, that’s an answered prayer,”

pahayag ni Baron.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page