top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kalinga ng Ama ni: Ronalyn Seminiano Reonico

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 18, 2019
1 min read

Kakaibang lakas, iyong taglay.

Sa aki’y ibinigay walang sawang pag-alalay.

Ako’y binigyang kalakasan.

Isip ay pinuno ng karunungan.

Ikaw ang haligi ng tahanan.

Iyong bisig ang nagsilbing unan.

Karunungan mo ang naging sandigan.

Sa gitna ng pagsubok, ‘di ka lumisan.

Kakaibang kalinga iyong ipinadama,

Ginawa mong bago, lahat ng luma.

Isa kang haligi na sinlambot ng pluma.

Lahat ng kamalia’y iyong itinatama.

Ikaw ang haligi, ngunit, ikaw din ang ilaw.

Sa buhay na kay dilim, nagbigay ng ilaw.

Nagsilbing haligi sa araw-araw.

Dinaig sa lakas ang kalabaw.

Ikaw ang nagdala sa pitong supling.

Iyong iningatan upang huwag mawalay sa piling.

Lumbay ng kahapo’y binigyang-lunas.

Nagsilbing kalasag laban sa mga ahas.

Ikaw ang aking ina at tumayong ama.

Isang inang hindi nagsawa,

hindi nang-iwan, hindi duwag,

hindi makasarili at siyang nagtatag.

Mas ama pa sa ama ang ina.

Inang hindi sumuko, hirap hindi inalintana.

Isang dakilang ina, sasapat sa mundo.

Buhay ay binigyang-kulay ng inang tulad mo.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page