Holding hands, kalat na… ION, PROUD NA PROUD NA SA RELASYON NILA NI VICE

Nitz Miralles / BIDA

'MASAYA para kay Vice Ganda ang mga nagmamahal niyang supporters dahil hindi raw itinatago ni Ion Perez ang relasyon nila ng It’s Showtime host at sinusuklian ang sweetness sa kanya ni Vice.
Ito’y pagkatapos may lumabas na mga litratong dalawa na kuha sa birthday ng isang kaibigan ni Vice.
Sa picture, makikitang magkatabi sina Vice at Ion, magka-holding hands at nakapatong ang left arm ni Vice sa kanang hita ni Ion.
Nakangiti ang dalawa at masaya, kaya naman tuwang-tuwa ang mga nagmamahal kay Vice.
Wish ng mga fans ni Vice, laging sweet ang dalawa, laging masaya at huwag mangimi si Ion na ipakita at iparamdam ang love niya kay Vice.
Para sa iba, hindi na kailangang isapubliko pa nila ang kanilang relasyon, sapat na raw ang nakita nilang mga litrato kung saan masayang magkasama ang dalawa.
‘Katuwa pa ang nag-comment na maghahanap na rin siya ng kagaya ni Ion at nagtanong kung saan makakahanap ng ganitong lalaki.





Comments