10 KATAO SUGATAN SA AKSIDENTE
Pabs Hernandez III
Jun 18, 2019
1 min read
OCCIDENTAL MINDORO—Sampu katao ang sugatan nang aksidenteng mahulog sa bukid ang sinasakyan nilang van, kamakalawa sa bayan ng Sablayan sa lalawigang ito.
Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pangalan ng mga biktima.
Ayon sa mga saksi, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang driver ng van kaya nahulog ito sa bukid.
Nakatakdang sampahan ng pulisya ng kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries ang driver ng van.





Comments