Tungkol sa LGBT community… VERSION NI MICHAEL V. NG BUWAN NI JK, VIRAL NA!

Beth Gelena / BULGARY FILES

SUPER hit ang kantang Buwan ni JK (Juan Karlos) Labajo kaya naman maraming artists ang gumagayang kantahin ito.
Pero ang mahusay na comedian actor na si Michael V. ay sumulat ng panibagong lyrics to the tune of Buwan at saka in-upload ang video na viral ngayon sa socmed. Napanood din kamakailan sa Bubble Gang ang naturang awitin.
Binago ni Bitoy ang lyrics ng Buwan na patungkol sa mga LGBTQIA community dahil naniniwala siyang mabibigyan ng pag-asa at kapangyarihan ang grupong ito balang-araw.
Positibong komento ang natanggap ni Michael V. sa in-upload niyang video.
Anila, “It’s not just a parody, it has a message. Thumbs up, idol Bitoy!”
“Michael V. is a legend. Super talented in many ways. Kudos to Michael V. You’re a marvel in entertainment industry!”
“Salute to this man! The content of this song is for equality and respect!”
Anyway, maging si Allan K. ay nagustuhan din ang Buwan song. Katunayan, last Friday sa birthday concert ng aspiring singer na si Macoy Mendoza ay guest si Allan.
May nag-request sa kanyang kantahin ang Buwan na pinaunlakan naman niya.
After he sang the song, umani siya ng masigabong palakpakan at gusto pang ipaulit ang kanta, huh!!!





Comments