top of page

Namatay ang kaklase at pinsan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 17, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Nicavero ng Nicavero_Cabasbas@ facebook.com

Dear Professor, Masama ba ang panaginip na may namatay daw akong classmate noong college, tapos, ‘yung pinsang-buo ko ay namatay din, magkatapat pa sila ng pinagburulan? Tapos, nakita ko ‘yung pinsan ko sa panaginip ko dahil biglang tumagilid ‘yung kabaong niya, kaya takot na takot ako.

Ano ang ibig sabihin nito? Naghihintay, Nicavero

Sa iyo Nicavero, Alam mo, iha, narito ang pangunahing kailangan ng tao, pero, hindi ito ‘yung madalas nating marinig na basic needs tulad ng pagkain, damit, tirahan at iba pa.

Sa school, ‘yan kasi ang mga itinuro sa atin, pero kung iisipin mo, ang basic needs na ito ay para sa pisikal na pangangailangan dahil ang mga ito ay sinasabing, bubuhay sa ating pisikal na katawan.

Pero, hindi maikakaila na ang tao ay mayroon ding pangangailangan na hindi sa pisikal na katawan. Ito ay maaaring pang-emosyunal, mental at espirituwal. Magkakaiba man sila, pero pareho silang pangangailangan ng tao.

Maaaring hindi ka agad maniwala, pero paniguradong masasabi mo na kailangan natin ito para maging masaya at magpatuloy sa buhay.

Aksiyon, drama at horror, ito ang tunay na dahilan kung bakit ang mga movie na ganyan ang tema ay palaging best-selling. Ang isa pang katotohanan ay kinikiliti ng mga ito ang ating unconscious mind na kapag nakiliti ay puwede na tayong mabuhay nang masaya at masigla.

Ito rin ang dahilan kung bakit ka nanaginip ng mala-horror na panaginip. Ang mensahe nito ay kulang ka sa tinatawag na pangiliti. Kaya ngayon, kulang ka rin sa sigla at saya.

Ilang araw pagkatapos mong mapanaginipan ito, pinaniniwalaang magkakaroon ka ng kakaibang sigla at saya kaya magsusumigasig kang bigyang- katuparan ang iyong mga gustong gawin sa buhay.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page