Miyembro ng NPA, sumuko
ISABELA—Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. Macalauat, Angadanan sa lalawigang ito.
Nakilala ang sumuko na si Junio Sagucio alyas Ka Jayjay, miyembro ng NPA na nag-o-operate sa Cagayan Valley.
Ayon kay Sagucio, nagpasya siyang magbalik-loob sa pamahalaan dahil nais na umano nitong makapiling ang kanyang pamilya.
Sa kasalukuyan ay isinasailalim pa si Sagucio sa taktikal na interogasyon upang matiyak na bukal sa loob nito ang pagsuko sa pamahalaan.





Comments