top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mister, kaya pinatitigil na sa boxing… JINKEE, RAMDAM NA TAGILID SI PACQUIAO KAY THURMAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 17, 2019
  • 2 min read

UMAASA si Jin­kee Pacquiao na ang darating na laban ng ating boxing champ na si Manny Pacquiao kay World Boxing Assn. Welterweight Champion Keith Thurman ngayong July 20 ang huli nang pagsabak ng asawa sa ring.

“Siguro, ito na lang ang last one. Siguro lang. Kasi pagkatapos nito, baka mag-iba na naman,” natatawang sabi ni Jinkee nang makausap namin last week sa launching ng anak niyang si Jimuel Pacquiao bilang endorser ng BNY Jeans Company.

Of course, kung si Jinkee ang tatanungin, noon pa ay gusto na niyang magretiro ang asawa sa boxing. Simula raw nang matalo si Pacman sa laban kay Juan Manuel Marquez IV noong 2012 na na-knock-out ang mister, ayaw na niya tala­gang lumaban pa ito. At ganu’n din ang gusto ng bu­ong pamilya. Talagang si Manny lang daw ang may gusto.

“Siya naman ang nakikipag-usap. Gusto tala­ga ng katawan niya. Parang hi­na­­ha­nap-hanap pa ng katawan niya.”

Matatandaang ang laging sinasabi recently ni Pacman ay gusto niya ulit ma­kalaban si Floyd Mayweather, Jr. na tumalo sa kanya noong 2015.

Ayon kay Jinkee, ito ang magsisilbi sanang huling laban ng ating Pambansang Kamao. Pero dahil nga tila ayaw na ulit lumaban ni Mayweather, ang wish na lang niya ay ang upcoming fight na lang daw with Thurman ang huli nito.

Aminado si Jinkee na kabado siya sa labang ito ng asawa dahil mas bata nang 10 years si Thurman (he’s 30) kesa kay Sen. Manny at undefeated champion pa.

Pero puspusan naman daw ang training ni Pacman and in fact, lumipad na ang Pambansang Kamao and his entourage last Saturday patungong Los Angeles para sa final phase ng preparations.

Ani Jinkee, susunod naman daw sila ng mga anak on July 5.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page