May movie uli sila ni Bea… JOHN LLOYD, KAILANGAN NG DATUNG, NATAUHAN NA, BALIK-SHOWBIZ
- BULGAR

- Jun 17, 2019
- 1 min read

KUNG totoong nagsu-shooting na nga ng bagong pelikula sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, nangangahulugan lamang na hindi kaya ng aktor na tuluyang talikuran ang showbiz at mamuhay na bilang pribadong tao.
Na-burn-out sa showbiz si Lloydie kaya walang kaabug-abog niyang tinalikuran ang mundong nagpasikat sa kanya nang makarelasyon niya ang sexy star na si Ellen Adarna. Isang taon siyang nagpahinga at nag-enjoy sa piling ng sexy star.
Ngayon ay isa nang ganap na ama si JLC at marahil, na-realize niya na kailangan niyang paghandaan ang future ng anak.
Pero, ibang-iba na ang hitsura at aura ngayon ni John Lloyd, para nang ermitanyo at hindi na ang Lloydie na dating kinakiligan ng mga fans.
Ganunpaman, masaya ang mga fans nina Bea at John Lloyd kung makikita ulit silang magkatambal sa big screen. Malakas ang kanilang chemistry bilang love team. For sure, good career move ang ginawa ni JLC sa kanyang pagbabalik.





Comments