Malinaw ayon sa birthday... MISIS NA NAKATAKDANG MABUONG MULI ANG PAMILYA

Dear Maestro, Nambababae ang mister ko ngayon at ibinahay pa niya ang babae niya, kaya balak kong gumanti sa kanya. Kung hindi na niya kami babalikan, manlalalaki na rin ako para may makasama ako at makatulong sa buhay.
Sa palagay ninyo, babalik pa kaya ang mister ko o dapat ko na siyang palitan? Pareho kaming Capricorn ng mister ko, December 28, 1977 ang birthday niya at January 13, 1978 naman ang birthday ko. Umaasa, Monette ng Daungan, Guiguinto, Bulacan Dear Monette, Hindi ka dapat manlalaki o tumulad sa iyong mister na pumatol sa ibang babae, gayung may legal siyang asawa sapagkat ayon sa zodiac sign mong Capricorn at Capricorn din pala ang iyong mister, tugma kayong dalawa dahil kapwa kayo pinaghaharian ng elementong earth o lupa. Ibig sabihin, maghintay-hintay ka lang ng ilang mga panahon dahil malaki pa ang porsiyento na kayo ay maaaring magkabalikan.
Dagdag pa rito, sa pag-aanalisang pang-Numerology ay halos tugma rin kayo. Nangyari ito dahil ang birth date mong 13 o 4 (1+3=4) ay sadyang suwetung-suweto sa birth date na 28 o 1 (2+8=10/ 1+0=1) ng iyong mister dahil ang 4 at 1 ay kapwa nagtataglay ng planetang Uranus-Sun.
Ibig sabihin, hindi lang kayo sa Astrology o zodiac sign tugma ng mister mo kundi tugma rin kayo sa Numerology.
Samakatwid, dahil tugma ang inyong tadhana, ayon sa Astro-Numerology na pag-aanalisa, sa bandang huli, ang kapalaran ang gagawa ng paraan upang kusa kayong magkabalikan at muling mabuo ang inyong pamilya na nakatakdang mangyari ngayong 2019, sa buwan ng Agosto o kaya ay Setyembre, sa edad mong 40 pataas.




Comments