Pang-aabuso sa kababaihan, palala nang palala


IKINABABAHALA ng ilang grupo ang bilang ng mga naaabusong kababaihan kada araw sa bansa.
Batay sa bagong istatistika, apat sa limang kababaihan ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, araw-araw.
Psychological, economical, verbal at sexual, ilan lamang ang mga ito sa mga pang-aabusong nararanasan ng kababaihan kada 15 segundo sa buong mundo.
Hindi lamang ang paraan ng pang-aabuso ang nakababahala kundi kung paano ito nakaaapekto kung saan puwede itong magdulot ng mental health issue sa biktima.
Unti-unti nang nauubos ang ligtas na lugar para sa kababaihan dahil puwede ring maranasan ang nasabing mga pang-aabuso sa sarili nilang tahanan.
Nakalulungkot isipin pero, tila parte na ng buhay ng bawat babae ang maabuso sa iba’t ibang paraan, partikular ang kabataan kaya hinihikayat ang lahat na maging mapagmatiyag at magsumbong sa mga awtoridad kung kinakailangan.
Hindi lingid sa ating kaalaman na maging ang kalalakihan ay nakararanas din nito kaya anumang kasarian at edad, hindi dapat makaranas ng kahit anong uri ng pang-aabuso.
Upang matuldukan ito, hindi tayo dapat manahimik lamang at maglabas ng hinaing sa social media, kung nakaranas ng anumang uri ng pang-aabuso, kumilos at humingi ng tulong sa mga awtoridad.





Comments