top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pamilya, pinrangka na… HIRIT NG DOKTOR: EDDIE, PARALISADO KAHIT MABUHAY PA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 16, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NAGHIHINTAY pa rin ng himala ang pamilya ni Eddie Garcia at wala silang balak na tang­galin ang life support ng veteran actor na comatose pa rin hanggang ngayon matapos mag­karoon ng neck fracture nang matisod sa cable wire sa shooting ng GMA-7 serye na Rosang Agimat.

Pero ayon kay Dr. Tony Re­bosa, nag-agree na ang pamil­ya ng veteran actor sa DNR o “Do-Not-Resuscitate”.

Ayon sa ipinost na video ng interview ng entertainment reporter na si MJ Felipe sa Twitter, sinabi ni Dr. Rebosa na milagro na lang ang kailangan para maka-survive ang veteran actor.

Aniya, “Everything is in God’s hands. We have to pray for him.”

Sinabi rin ni Dr. Rebosa na kung sakaling maka-survive si Eddie ay mapa-paralyze ang katawan nito from neck to down.

Aniya, “I don’t want to give you any false hopes. Masya­dong serious ‘yung kanyang neck fracture because it involves the first and the second cervical vertebrae. Completely transected ‘yung spinal cord niya.

“Those who would survive, quadriplegic sila, paralyzed from the neck down. If he does survive, ‘yun ang magiging consequence niya. Very serious talaga ‘yung kalagayan.”

Samantala, isa ang veteran actress na si Gina Pa­reño sa mga nagpahayag ng kanyang saloobin tung­kol sa nangyari sa leading man niya sa pelikulang Hin­tayan ng Langit na ipinalabas noong 2018.

Nabalitaan kasi ng veteran actress na tatanggalin diumano ang life support ng multi-awarded actor na agad namang pinabulaanan ng spokesperson ng pamilya ni Eddie Garcia noong Biyernes.

Aniya, “Sayang naman, ba­kit tatanggalin ang life support kung malakas pa ang puso niya? Baka puwede pa.”

Sinabi rin ni Gina na isa siya sa mga patuloy na nagdarasal na maging maayos na ang ka­la­gayan ng veteran actor.

“Nagpadasal kami, nag­pamisa kami for Eddie dito sa Marcelo Village, sa simba­han namin. Nag-offer kami ng mass para sa kanya,” kuwento ng aktres.

Ikinalulungkot ni Gina ang nangyari sa veteran actor na hindi nagkasakit, pero comatose ngayon dahil sa isang aksi­dente.

Aniya, “Ganoon talaga si­guro, pero sayang si Eddie.”

“‘Yun ang masakit, wala siyang sakit, tapos ga­nu’n ang nangyari,” dagdag pa niya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page