top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kung dati, magkalaban… DOS AT SIYETE, JOINT FORCES PARA KINA ALDEN AT KATHRYN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 16, 2019
  • 2 min read

Nitz Miralles / BIDA

ANG tanong ni Alden Richards sa mga followers niya sa social media, handa na ba silang ma­nood ng Hello, Love, Goodbye na Star Cinema movie nila ni Kath­ryn Bernardo? Majority ay “oo” ang sagot, pero may iilang ayaw daw manood dahil AlDub fans sila.

Anyway, positive ang pag­tanggap sa teaser ng movie na unang ipi­nalabas sa screening ng peliku­lang Clarita at nasundan nang ipalabas ang teaser sa Ang Probinsyano.

Lalong na-excite ang mga fans na mapanood ang pelikula sa direction ni Cathy Garcia-Molina dahil pati mga taga-showbiz, kinakitaan ng chemistry sina Alden at Kathryn.

For a while, kinalimutan muna ang network war dahil sabay na nagtu-tweet ang ABS-CBN at GMA-7 sa paglabas ng teaser sa Ang Probinsyano na ikinatuwa ng mga fans ng both networks. Ang sarap daw makabasa ng tweets ng each network supporting Hello, Love, Goodbye at ang gandang mabanggit ang name ni Alden sa Kapamilya Network at ang name ni Kathryn sa Kapuso Network.

Kahapon, ginanap ang poster at playdate reveal at meet and greet sa ABS-CBN Studio Experience sa Tri­noma. Sa labas ng venue, may nakalagay na malaking balikbayan box na poster na siguro.

Malalaman sa playdate reveal kung July 31 nga ang showing ng pelikulang pinag-uusapan na.

Samantala, part ng promo ng Hello, Love, Goodbye ang guesting ni Alden sa The Boobay and Tekla Show this Sunday. Sasabak si Alden sa Feeling the Blank segment at tampok din sa Prank­ing in Tandem kung saan he will pull a prank sa three Alden look-alikes.

Guests din ang two Kris Aquinos na sina Krissy Achino at Divine Tetay na may face-off sa TBATS na, Debate pa!.

Guest din si Ate Gay at si Ai Ai delas Alas para mag-promote ng Feelen­nial na showing sa June 19, at tampok sa parody ng Kapuso Mo, Jessica Soho na naghahanap ng two octogenarians na naghiwalay noong WWII.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page