HOROSCOPE | Hunyo 16, 2019 (Linggo)
- BULGAR

- Jun 16, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 16, 2019 (Linggo): Dumating muli ang mga araw kung kailan nasa todong-lakas ang iyong nakagagayumang personalidad. Gamitin mo ito para matupad mo ang iyong mga pangarap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makikinabang ka sa pakikipagkaibigan. Kaya, huwag kang mag-alala kung ang mga kaibigan mo ay dumarami. Magbabalikan din sa buhay mo ang iyong mga dating nakasama. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-12-28-30-36-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka na parang hawak-hawak mo na ang gusto mong mapasaiyo. Ito ang sikreto ng tagumpay na nagsasabing, hindi nabibigo ang nagkakaisa ang isip at pagkilos. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-21-25-27-33.
GEMINI (May 21- June 20) - Napaliligiran ka ng mga tukso. Ipagpaliban mo muna ang paghahanap ng bagong mamahalin. Mas maganda kung maghihintay ka nang matagal kaysa magdusa ka at magsisi sa huli. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-15-27-25-36.
CANCER (June 21- July 22) - Ngayon ka na humingi ng pabor sa mga taong tumanggi sa iyo sa nakaraan. Wala silang magagawa kundi ang ikaw ay pagbigyan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-13-19-28-31-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-ingat ka sa biglaang pagpapasya. Maaari kang mahulog sa patibong kung saan maaangkin ka ng hindi nababagay para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-21-30-33-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Isip ang paganahin mo at hindi ang damdamin. Hindi ka magkakamali kapag ang sinunod mo ay ang iyong isip. Ang totoo, malalayo ka sa kapahamakan kung pagaganahin mo ang iyong isipan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-14-16-27-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Natuwa ang langit sa ginawa mong pagpapasya. Muling ibinalik ang mga araw kung kailan susuwertehin ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-19-20-25-31-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakagugulat ang kapalaran mo ngayon dahil ang mga hindi mo inaasahang tutulong sa iyo ay sila pa ang panggagalingan ng mga suwerte mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-11-19-20-28-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hadlangan ka man ng mga sibat at bumuhos man ang malakas na ulan, ayon sa iyong kapalaran, hindi ka maaawat dahil sobra kang desididong gawin ang laman ng iyong isipan. Masuwerteng kukay-white. Tips sa lotto-3-15-28-30-35-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tatalunin ka ng iyong damdamin, pero ang nakagugulat ay sa pagsunod mo sa dikta ng iyong puso, ang kaligayahang inaasam-asam mo ay mapasasaiyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-29-31-32-41-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nasa mataas na antas ang iyong kagandahan. Marami ang magnanasa na ikaw ay gawing bahagi ng kanilang buhay.
Madarama nilang kailangan ka nila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-17-22-24-33-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong isara ang pintuan ng iyong kaligayahan. Ikonsidera mo ang pagkakaroon ng bagong relasyon. Hindi nabubuhay ang tao nang dahil lang sa mga materyal na bagay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-20-21-27-30-33-37.




Comments