top of page

Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG MAGKAROON NG MAUNLAD NA PAMILYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 15, 2019
  • 4 min read

Dear Maestro,

Totoo pala ‘yung sina­sabi ninyo, Maestro, na ka­pag taong 2, mahina ang loob at weak ang per­sonalidad.

Dati kasi akong nag-aral sa college, pero dahil sa kahirapan ay napili­tan akong huminto.

Binalak kong mag­trabaho kaya nag-apply ako kung saan-saan. Nag­bunga naman ang mga pagsisikap ko at naka­pag­trabaho ako sa pagawaan ng gamot dito sa Bula­can, pero contractual lang kaya pagkatapos ng six months ay nawalan ulit ako ng trabaho at natengga sa bahay.

Ngayon ay 31 na ang edad ko at wala pa ring per­manenteng trabaho at boy­friend, pero may nanli­ligaw sa akin, kaya lang, parang malabo ko siyang sagutin dahil wala rin si­yang work na tulad ko. Gusto kong mag­bago ang buhay ko, kaya naisipan kong su­mang­guni sa inyo.

Sa ngayon, medyo nag­tataka rin ako sa aking sa­rili kasi bata pa ako, pero marami na rin akong mga ka­ram­damang iniinda, subalit, hindi ako nagpapa­tingin sa doktor, kumbaga, inililihim ko ito sa amin da­hil baka ma­ging pabigat pa ako sa mga ma­gulang ko.

Sana, sa pamamagi­tan ninyo ay magkaroon ng di­reksiyon at gabay ang bu­hay ko upang magka­roon ako ng magandang career at lumigaya. May 2, 1988 ang birthday ko.

Umaasa,

Mikaela ng Tikay, Malolos City, Bulacan

Dear Mikaela,

Ang dapat mong gawin ngayon ay mag-asawa. Oo, panahon na, Mikaela, upang ikaw ay mag-asawa nang sa gayun ay magbago na ang iyong kapalaran at tadhana.

Kapag nag-aasawa ang tao, lalo na at May 2 ang birth­­day, hihigupin niya nang kusa ang kapalaran ng la­la­king mapa­pangasawa niya.

Samantala, walang ma­ga­gawa ang lalaking mapa­pangasawa mo dahil ganun­din siya, hihigupin din niya ang tadhana mo at awtoma­tikong makikihati rin siya sa mga problema at kalung­ku­tang iniinda mo ngayon. Kaya ‘yung dati mong ka­pa­laran ay mag-iiba na habang ‘yung dating kapalaran ng lalaking napangasawa mo ay magbabago na rin.

Parang asukal at kape rin ang nasabing pag-aasawa, ‘yung dating kape na mapait ang lasa at asukal na nila­langgam sa garapon at nilag­yan ng mainit na tubig na nakalagay sa tasa at pagka­tapos ay hinalo nang hinalo ay magkakaroon ng reaksi­yon, mag-iiba na ang lasa kung saan ang mata­bang na tubig, ang mapait na kape at ang napakatamis na asukal, sa sandaling hinigop na, sa­sarap at lilinamnam at ang sasabihin ng sinumang ma­ka­hihigop ng nasabing ba­gong timplang kape, “ang sarap”.

Gayundin, ang kapa­la­ran ng tao kung saan ka­ila­ngang may makasama o ma­­iba ang kapalaran niya na kapag naging tama na ang timpla, ang nasabing kapala­ran ay sasarap.

Kapag nag-asawa ka na, ikaw at ang lalaking mapa­pa­ngasawa mo ay magiging isa. Kaya ang sabi ng pari kapag may ikinakasal, “hin­di na kayo dalawa kundi iisa na kayo, bilang mag-asawa”.

Ganu’n ang hiwaga ng pag-aasawa kung saan na­gagawa nitong baguhin ang pangit na kapalaran ng tao dahil hindi lang ang mga numerong hawak o taglay mong zodiac sign ang iim­pluwensiya sa iyong kapa­laran kundi pati na rin ang numero at zodiac sign na bitbit ng lalaking mapapa­nga­sawa at makakasama mo, habambuhay.

Kaya para mawala ang mga problema mo sa buhay, ang unang hakbang na dapat mong gawin ay sabihin mo sa manliligaw mo na magha­nap na siya ng trabaho para kapag may trabaho na siya at nagkataong mahal mo siya, mabait at ka-compa­tible mo, hindi masama na sagutin mo na siya upang magka-boyfriend at tu­luyan ka na ring makapag-asawa.

Kaya, Mikaela, kung ma­rami ka ng iniindang karam­da­man sa edad mong 31, ti­yak na puro, psychological illness lang ‘yan, kumbaga, du­lot lang ito ng kalungku­tan na iyong nararamdaman sa kasalukuyan.

Kaya, ayon sa mga datos sa Astrology, hindi nakabi­bigla na mapapansing kara­mihan sa mga taong 2 tulad ninyong may bitbit na mga numerong 2, 11, 20 at 29, kung hindi namamatay ng maaga, kayo ay nabubuhay nang malungkot at nag-iisa, walang achievement sa bu­hay, umaasa lang kung kani-kanino at kung minsan ay nakatambay lang.

Palagi kang magsuot ng kulay itim, dilaw at iba pang strong color upang lumakas ang iyong loob na magpa­tuloy at lumaban sa bawat suliranin at hamon ng buhay na dumarating sa iyong ka­ra­nasan.

Maghanap ka ng mga kaibigan o kakilala na may strong number tulad nilang isinilang sa mga petsang 1, 10, 19, 28, 8, 17, 26, 9, 18, 27, 6, 15 at 24, sila ang tu­tulong sa iyo sa lahat ng bagay at aspeto ng buhay upang lumakas ang iyong loob.

Dapat mo na ring ba­gu­hin ang iyong lagda. Tang­­galin mo na ang pabilog na hugis sa iyong lagda upang matanggal na rin ang pagi­ging mahina ng iyong kaloo­ban at takot na magkamali at mahusgahan ka ng iba.

Kapag nawala na ang bilog sa iyong lagda, maka­lalaya ka na at magkakaroon ng sariling mundo, hindi ‘yung palagi mong iniisip kung ano ang sasabihin ng iba.

Tandaan mong hindi ma­halaga kung ano ang sa­sabihin ng ibang tao, bagkus, ang mas mahalaga ay naga­gawa mo nang malaya at masaya ang mga bagay na gusto mong gawin.

Sa sandaling sinunod mo ang mga simpleng re­komendas­yong inilahad na sa itaas, tiyak ang maga­ga­nap, ang magandang ka­pa­la­ran ay mangyayari sa iyong buhay, sa taong 2022, sa edad mong 34 pataas, mag­kaka­roon ka na ng stable job, mag­­kaka-boyfriend, ma­ka­pag-aasawa, magka­karoon ng sarili at maunlad na pa­milya at habambuhay ka ng liligaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page