Ganern? ANGELICA, UMAMING PAGKAGISING PA LANG, LALAKI NA AGAD ANG INIISIP

Beth Gelena / BULGARY FILES

ISA si Angelica Panganiban sa mga sinusubaybayan ng showbiz circle ang buhay-pag-ibig. Intriguing daw kasi kapag umibig ang aktres dahi ibinibigay niya ang lahat.
Aminado naman ang Banana Sundae actress na 100 percent kapag siya ay nagmahal.
Closed book na rin ang love story niya sa last boyfriend na si John Lloyd Cruz.
Nang magsama silang muli ng actor na si Carlo Aquino sa isang movie last year, marami ang nag-aakalang muling magkakaroon ng second chance ang relasyon ng dalawa.
Si Carlo kasi ang first boyfriend ni Angelica nu’ng magdalaga siya. Pero ang lahat ay nauwi sa wala after na kumita ang pelikula nila dahil sumakay lang pala sa ‘agos’ ang actor para muling pag-usapan na nu’ng time na ‘yun ay wala nang career. But then, lumabas ang totoo na may girlfriend na si Carlo.
Katunayan, kamakailan lang ay nag-post ito sa kanyang socmed na ‘wag daw i-bash ang girlfriend niya.
Sa bagay na ito ay nahingan ng komento si Angelica. Pero, ayon sa Kapamilya actress, wala na siyang update sa actor dahil dinelete na niya sa kanyang buhay ang pangalang ‘Carlo.’
“Wala, hindi na siya nag-e-exist sa life ko ngayon,” ani Angelica.
Sa ngayon, ayaw daw munang mag-boyfriend ng dalaga dahil parang hindi na raw siya interesado sa mga lalaki.
“Hindi na kasi sila ang priority ng life ko. Parang natapos na rin kasi ‘yung panahon na paggising mo ay lalaki agad ang naiisip mo,” ani Angelica sa isang panayam.
Ayon pa sa magandang aktres, ini-enjoy niya ngayon ang kung ano ang meron siya at masaya rin siyang nagta-travel mag-isa.
Open naman daw siyang makipag-date, pero wala talaga sa isip niya ang pumasok sa bagong relasyon.
Aniya, “Matagal na naman akong nakikipag-date, wala lang tumatagal. Bakit, trial and error ‘yun, eh? Nag-e-entertain naman ako, matagal na.
“Someday, but not soon. Ayoko muna talaga.”
For the record, si Carlo ang unang naging BF ni Angelica, tapos si Derek Ramsay, at si John Lloyd nga ang huli.





Comments