top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Doble-ingat sa papasok na tag-ulan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 15, 2019
1 min read

Hindi pa naidedeklarang opisyal na ang tag-ulan pero, nakararanas na ng pag-ulan ang maraming lu­gar sa bansa.

Kaya naman, ang mga sakit ay nagbabadya na rin. Ilan sa mga ito ay typhoid fever, cholera, leptospirosis, ma­laria at dengue.

Kaugnay nito, nagbabala si Health Secretary Francisco Duque III na posible ang pagtaas ng kaso ng dengue ngayong taon.

Paalala ng kalihim sa publiko, maging maingat at alalahanin ang kampanyang ‘4S’ ng kagawaran.

Ang 4S strategy ng Department of Health (DOH) laban sa dengue ay nangangahulugan ng Search and destroy mosquito breeding places, Secure self-protection, Seek early consultation at Support fogging or spraying only in hotspot areas.

Batay sa huling tala noong ika-9 ng Hunyo, naiulat ang nasa mahigit 70,000 kaso ng dengue sa bansa ngunit, ayon sa kalihim, posible pa itong tumaas hanggang 200,000 sa pagtatapos ng taon.

Kasabay ng 4S strategy kontra dengue, dapat din tayong maghanda sa iba pang sakit na nakukuha sa panahong ito sa pamamagitan ng palaging pagdadala ng payong, pagsusuot ng bota kapag may baha at kung makaramdam ng mga sin­tomas ay agad magtungo sa pagamutan.

Madalas na tinatamaan ng dengue ay ang mga bata, kaya para sa mga magulang, magdoble-ingat!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page