top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Away sa parking | TRICYCLE DRIVER BINARIL NG RIDER, DEDBOL

  • Janice Baricuatro
  • Jun 15, 2019
  • 1 min read

DAHIL sa parking slot kaya pinaniniwalaang pinatay ang tricycle driver ng nakaalitan nito kamakalawa sa Daang Amaya 1, Tanza, Cavite.

Alas-6:15 ng gabi, nagmamaneho ng kanyang tricycle ang biktimang si Jernel Amarille nang magpa-park sana sa Tanza Public Market pero, nakaalitan ang magpa-park din na hindi nakilalang suspek na sakay naman ng motorsiklo, angkas ang isang babae.

Nagtalo ang dalawa hanggang sa umalis ang suspek pero, maya-maya lamang ay bumalik itong mag-isa saka biglang binaril ang biktima bago tumakas.

Dinala sa Tanza Family Hospital ang biktima pero, idineklara na itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page