2 oil tankers inatake
INATAKE at iniwang lumulutang sa Gulf of Oman ang dalawang oil tankers.
Pinangangambahang magreresulta ito sa pagtaas ng presyo ng petrolyo, gayundin nakaamba ang bagong tensiyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.
Ang insidente ay matapos akusahan ng Washington ang Tehran na umano’y nasa likod ng parehong pag-atake noong May 12 kung saan apat na oil tankers ang pinasabog sa parehong lugar na mahalagang ruta para sa oil shipping.
Nabatid na inabandona ng crew ng Norweigan-owned Front Altair ang barko sa karagatan sa pagitan ng Gulf Arab States at Iran matapos ang pagsabog na umano’y galing sa magnetic mine.





Comments