top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

National ID, kasado na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 14, 2019
  • 1 min read

PAGKATAPOS ng ilang buwan mula nang aprubahan, aarangkada na simula Setyembre hanggang Disyembre ngayong taon ang pilot testing ng National Identification System.

Ito ang inanunsiyo ng Palasyo hinggil sa update ng implementasyon ng Philippine ID System.

Bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022, aabot sa 107 milyong Pilipino ang target na ma-register sa bagong sistema.

Matatandaang, nilagdaan ng pangulo noong Agosto ng nakaraang taon ang Republic Act 11055 o Philippine Identification System (PhilSys Act) na layong pag-isahin ang mga government ID sa pamamagitan ng paggawa ng National Identification System.

Ilalagay sa Phil-ID ang PhilSys number at full name ng cardholder, larawan nito, kasarian, araw ng kapanganakan, blood type at address gayundin, mayroong biometric information sa card tulad ng full set ng fingerprints at iris scan.

Marami naman ang nabahala dahil halos lahat ng impormasyon ay makikita rito ngunit, tiniyak ng pamahalaan na may privacy safeguards ang ilalabas na National ID.

Maganda ang layunin ng implementasyon ng National ID pero, dapat siguraduhin ng pamahalaan na mananatiling pribado ang mga impormasyon ng bawat cardholder.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page