top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Magsasaka dedo sa kidlat

Pabs Hernandez III
Jun 14, 2019
1 min read

QUEZON—Isang magsasaka ang namatay nang tamaan ng kidlat, kamakalawa sa Bgy. Mapulot, Tagkawayan sa lalawigang ito.

Ang biktima ay kinilalang si Niño Melgarejo, residente sa naturang barangay.

Ayon sa ulat, habang nasa bukid si Melgarejo ay biglang bumuhos ang ulan at kasunod ang pagkidlat na tumama sa biktima.

Nabatid na sa lakas ng boltahe ng kidlat na tumama kay Melgarejo ay agad namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page