top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

HOROSCOPE | Hunyo 14, 2019 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 14, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 14, 2019 (Biyernes): Hindi ma­iaalis sa iyo ang kaba at pag-aalinlangan, pero gi­na­ga­rantiyahan ngayong araw ng iyong pagsilang na ma­­aabot mo ang iyong mala­laking pangarap.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Paisa-isa lang ang paghak­bang, pero ka­ilangan ay tuluy-tuloy. Ito ay sikreto ng tagumpay na kapag ginawa mo ay ma­ka­iiwas ka sa mga malala­king kabiguan at pagka­lugi. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-19-20-24-33-38.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang mag-alinla­ngan na mag­pa­tulong sa may alam. Sila rin ay walang alam sa una at humingi ng payo sa mga nauna ng nagtagumpay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-6-18-21-24-32-42.

GEMINI (May 21- June 20) - Hindi ka da­pat malibang sa masasa­yang nakakasama mo. Higit ka­ilanman, ngayon mo ka­ila­ngang tutukan ang pi­na­­­kamalalaking ambis­yon mo sa buhay. Ito ang men­sa­he para sa iyo. Ma­su­wer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-16-25-30-35-42-45.

CANCER (June 21- July 22) - Ano ang gaga­win mo kapag inilapit ka ng langit sa taong handang bigyan ka ng masarap na buhay? Ano pa nga ba? Tanggapin mo! Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-15-23-26-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hin­di puwedeng hindi ka ma­ki­alam sa mga mahihina. Ikaw ay mas ma­lakas kaysa sa pangkara­niwang malalakas. Ibahagi mo sa mahihina ang iyong taglay na lakas. Masuwer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-12-24-30-43.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang malapit sa iyo, siya ang para sa iyo. Kaya ang mga nasa malayo ay puwede mo ng balewalain dahil maaak­saya lang sa kanila ang iyong oras. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-22-25-31-38-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pakawalan ang iyong pinaki­kinabangan. Ang hayaan mong mawala ay ang nag­papahirap sa iyo. Ito ang susi para guminhawa ang iyong buhay. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-7-11-14-16-23-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Pa­pa­ganda pa ang takbo ng iyong buhay. May mali­liit at malalaking proble­ma man, ito ay kusang mag­sisi­la­yas sa buhay mo. Ma­suwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-18-21-27-30-37-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ang sinu­mang sumira sa iyong saya at sigla ay langit mis­mo ang makababangga. Ang ma­ki­kiisa sa iyo ay bibiyaya­an ng mga magagandang bagay. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-10-15-20-25-33-36.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hanapin mo ang daan tungo sa pag­kakaunawaan. Kapag ma­tiwasay ang iyong buhay, magtutuluy-tuloy ang pag­dating ng malalaking su­werte sa kapalaran mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-29-32-37-45-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka bibiguin ng la­ngit. Kaya hu­­miling ka! Ang mas ma­gandang hilingin mo ay para sa iyo at hindi para sa ibang tao. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-15-18-22-27-30-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kailangan mong lumayo. Ang isa sa pa­ra­an ng paglayo ay ang pag-a-abroad. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-23-24-30-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page