Empleyado timbog sa boga
Pabs Hernandez III
Jun 14, 2019
1 min read
ZAMBOANGA DEL SUR—Isang empleyado ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng baril, kamakalawa sa Bgy. Lower Timonan, Dumingag sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Junrey Remotique, empleyado ng Livelihood Development Coordinator sa nasabing bayan.
Nabatid na kalibre .38 revolver at mga bala ang nakumpiska ng mga awtoridad sa pagiingat ng suspek.
Nakapiit na si Remotique na nahaharap ngayon sa kasong illegal possession of firearm and ammunitions.





Comments