top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

After kumalat na problemado kay Marian… DINGDONG, IBINULGAR ANG DAHILAN NG PAGBAGSAK NG KATAWAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 14, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

MARAMI nang nakakapuna sa pamamayat ni Dingdong Dantes. Nagtataka ang mga kapwa niya showbiz celebrities kung bakit siya nangangayayat. May nagtatanong pa nga kung nagkakaroon daw ba ng proble­ma si Dingdong sa asawang si Marian Rivera?

Natatawa na lang ang Kapuso actor sa mga itinatanong sa kanya. At para raw hindi na mag-isip pa ng kung anu-ano ang mga tao ay sinabi ni Dingdong ang dahilan ng pagba­bawas ng kanyang timbang.

Aniya, sadyang nagpapayat siya dahil pinaghahandaan niyang mabuti ang BMW Berlin Marathon na gaga­napin sa September.

Sambit pa ng Kapuso actor, si Kim Atienza raw ang humikayat sa kan­yang sumali sa nasabing marathon.

Hindi lang daw siya ang kinumbinse ni Kuya Kim kundi marami sila na kapwa aktor na pupuntang Germany para sa BMW marathon.

Dugtong pa ni Dingdong, hindi lang ang marathon ang dahilan kaya siya nagbabawas ng timbang. Ibig din daw niyang bumalik sa dati ang kanyang pangangatawan para na rin sa kanyang kalusugan.

Naging panata ko sa sarili ko at sa pamilya ko. Kasi, mula noong ipina­nganak si Sixto, gusto kong i-renew ‘yung commitment ko sa kalusugan.”

Nakasuporta naman daw ang misis niya sa kanyang pagpapapayat.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page