4 na beses na-heart bypass, kailangan na ring i-kidney transplant… MIKE, 3X A WEEK NAGDA-DIALYSIS

Nitz Miralles / BIDA

‘’I am extremely well,” sagot ni Mike Enriquez nang kumustahin ng mga reporters sa presscon kung saan in-announce na extended ang Dobol B sa News TV. Mula kasi sa five hours, Monday to Sunday, six hours nang mapapanood sa TV ang mga favorite anchors ng DZBB.
Kinumusta si Mike dahil dumaan ito sa quadruple heart bypass, pero sabi nga nito, he is okay. Although, ibinalita niyang nagda-dialysis siya three times a week.
“Sinabi ng doctor ko na kung papasa ako, mag-a-undergo ako ng kidney transplant at ‘pag nag-kidney transplant ako, hindi na ako magda-dialysis. Ang hirap sa dialysis, pagod ka, para kang binugbog at lutang ka. Kaya ko pa namang mag-24-Oras, pero one to two hours lang ako pinapayagang lumabas sa TV.
“Wala akong ginagawa na walang clearance sa doctor ko at hindi rin ako gagawa ng bagay na hindi alam ng doctor ko at walang pahintulot ng doctor,” wika ni Mike.
Pero sa radio, tuloy pa rin si Mike na Monday to Friday, napapakinggan kasama si Joel Reyes Zobel sa Super Balita sa Umaga Nationwide at 7 AM. Si Mike rin ang maririnig sa Saksi sa Dobol B at 8 AM. Si Joel, nagbabalik at 9 to 9:30 AM sa Anong Say N’yo?.
From five hours, six hours na ang Dobol B sa News TV na bubuksan ni Melo del Prado ang pagbabalita sa Super Radyo DZBB at 6 AM. Papasok sina Arnold Clavio at Ali Sotto at 9:30 AM sa kanilang juicy blind items sa Sino?. Sila rin ang maririnig sa Dobol A sa Dobol B, at sa 11 AM time slot. Si Susan Reyes ang maririnig sa Kay Susan Tayo! sa Super Radyo DZBB.
On Saturdays, Melo del Prado hosts Super Radyo Nationwide at 6 AM, followed by Super Balita sa Umaga with Sam Nielsen and Rowena Salvacion at 7 AM. Si Rowena rin ang anchor sa Isyu Atbp.. Si Nathaniel “Mang Tani” Cruz naman ang maririnig at mapapanood sa I M Ready sa Dobol B at 9 AM.
Susunod sa 10 AM si Connie Sison sa Pinoy M.D. sa Super Radyo DZBB at susunod agad ang DZBB Super Serbisyo: Buhay, Trabaho at Negosyo at 11 AM with Norilyn Temblor, Tootie at Lala Roque.
Sa Linggo, si Orly Trinidad ang unang mapapakinggan sa Buena Manong Balita at 6 AM, kasunod ang Super Balita sa Umaga with Sam Nielsen and Nimfa Arevalo at 7 AM, at si Nimfa rin ang host ng Dobol B: Bantay Balita (Bantay sa Senado) at 8 AM.
At 9 AM, si Benjie Liwanag ang mapapakinggan at mapapanood sa Liwanag sa Balita followed by Divine Reyes sa Dobol B: Bantay Balita (Bantay Kamara). From 11 AM to 12 NN, nagbabalik si Orly sa MMDA sa GMA in cooperation with the Metropolitan Manila Development Authority.
Ang rating at audience feedback ang dalawang rason na sinabi ni Mike kung bakit nag-decide ang GMA Network Management na i-extend ang Dobol B sa News TV. Sabi rin ni Mike, nakahanda ang equipment ‘pag sinabi ni Atty. Felipe Gozon to extend their TV airing.
Bilang respeto sa mga kasama sa trabaho, hindi nag-comment si Mike at mga kasama sa kaso ni Erwin Tulfo kay DSWD Sec. Bautista at sa franchise issue ng ABS-CBN.
“No comment kami d’yan,” pahayag nina Mike.





Comments