Lalo na at wala kayong aasahan kundi ang sarili n‘yo lang.. 5 SURVIVAL TIPS PARA SA MGA STUDENT NA N
- Justine Daguno
- Jun 13, 2019
- 2 min read

SABI nila, ang buhay sa kolehiyo ay maituturing na “wild ride” dahil napakaraming adventure ang puwede mong maranasan, lalo na sa mga estudyante na nagdo-dorm. Sa totoo lang, medyo nakakatakot, pero exciting din naman ‘yung feeling na titira ka sa lugar na malayo sa pamilya o comfort zone mo kung saan sa ayaw at sa gusto mo, kailangang maging independent ka.
Well, sa mga beshy natin diyan na nagdo-dorm o nagbabalak mag-dorm ngayong school year at sa mga susunod pang taon, narito ang ilang survival tips para sa inyo:
1. EXPECT NOISE. Isa ito sa mga dapat ninyong paghandaan, ang maingay na environment mula sa mga kapwa mo estudyante. Nariyan ‘yung ingay mula sa mga naghaharutan, nagda-drama, nag-aaway at iba pa kaya naman, make sure na ready ang headset o anumang pantakip sa mga tainga at siyempre, ang iyong mahabang pasensiya.
2. PRIVACY CAN BE HARD TO COME BY. Malamang, kung bed spacer ka, huwag kang mag-expect na madali lang magkaroon ng privacy. Sa totoo lang, ‘yung mismong higaan mo at ‘yung pagpasok lang sa comfort room ang pinaka-“privacy” mo. Kaya libutin mo ang buong dorm o maghanap ka ng lugar na puwede mong matawag na “personal space” o “sanctuary”, kailangan mo ‘yan, lalo na kapag trip mong magpaka-emo. Okay?
3. SHOWER ESSENTIALS ARE “ESSENTIAL”. Kung ikaw ‘yung tipo ng tao na 30 minuto o higit pa kung maligo o gumamit ng banyo, pwes, kapag magdo-dorm ka, masyadong mahaba ang oras na ‘yan. Ang buhay sa dorm ay mahirap, lalo na kapag maarte ka, “ligong-marino” o ilang minuto lang dapat dahil marami pang ibang nakapila at naghihintay na matapos ka. So, adjust-adjust din ‘pag may time!
4. GUARD YOUR STUFF. Sabi nila, “sharing is caring”, pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Dapat responsable ka sa mga gamit mo dahil wala ka sa bahay ninyo kung saan may tagaligpit ka. Isa sa mga isyu sa dorm ang pagkawala ng mga gamit kaya dapat alam mo kung paano aalagaan at gagawing safe ang mga ito, partikular ang mga ‘personal thing’ tulad ng toothbrush, sabon, shampoo, undies at iba pa.
5. PREPARE FOR ALL KINDS OF PERSONALITIES. Araw-araw, iba’t ibang mala-teleseryeng ganap ang masasaksihan mo. ‘Yung tipong hindi mo na kailangan manood ng TV para lang makakita ng mga nagda-drama. Sa kabila nito, marami kang makikilalang tao na may iba’t ibang personalidad na dapat mong ikonsidera, pero ang kagandahan sa sitwasyon, marami kang matututunan.
Kung gusto mong mag-dorm, make sure na ready ka sa consequences nito, handa ang iyong sarili na matutunan ang iba’t ibang bagay, mahirap o madali man ito. Tandaan, walang ibang sasalo o responsable sa iyo sa oras na lumabas ka ng bahay ninyo kundi ikaw lang mismo. Copy?





Comments