Laborer nagbigti sa farm
NUEVA ECIJA—Isang laborer ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti, kamakalawa sa loob ng farm sa Bgy. La Torre, Talavera sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Ronelio Bretenia, tubong Calbayog City, Samar at stay-in sa pinagtatrabahuhan nitong EV Game Farm sa naturang barangay.
Nabatid na kamag-anak ni Bretenia ang nakatagpo sa nakabiting bangkay nito sa loob ng farm.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.





Comments