Huwag basta bumili ng gamot online
- BULGAR

- Jun 13, 2019
- 1 min read

Pagkain, gamit sa bahay at kung anu-ano pa, ilan lamang ang mga ito sa puwedeng mabili online.
Patok na patok ngayon ang online shopping dahil halos lahat ng kailangan mo ay puwede mo nang mabili gamit lamang ang cellphone at internet.
Ngayon, pati ang mga gamot ay puwede na ring bilhin online.
Kaugnay nito, nagbigay-babala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko hinggil sa pagbili ng gamot online.
Ayon sa ahensiya, ang mga gamot na nabibili sa internet ay maaaring magdulot ng banta sa kalusugan.
Bukod pa rito, wala umanong katiyakan kung ang nabibiling gamot online ay hindi peke.
Gayunman, nilinaw ng FDA na hindi pinapayagan sa bansa ang ganitong uri ng pagbebenta ng mga gamot at ang pinahihintulutan lamang umano ng ahensiya ay online ordering services kung ang nagbebenta ay may existing FDA-licensed Pharmacist o kung accredited itong botika na may physical address.
Kaya bumili lamang ng mga gamot sa mga lisensiyadong botika.
Walang masama sa pamimili online pero, huwag nating hintaying malagay sa alanganin ang ating buhay kapalit ng mabilis na transaksiyon sa pamimili ng gamot.
Pagdating sa pamimili ng gamot, maglaan tayo ng oras upang siguraduhing ligtas ang mga ito at makatutulong sa iinom.





Comments